Marcos 14

Samantala, sumunod din doon si Pedro ngunit hindi siya lumapit kay Hesus. Pumasok siya sa bakuran ng bahay ng punong pari at nakiupo sa mga guwardiya na nagpapainit sa tabi ng apoy.

Mark 14:54 (UKJV) And Peter followed him far off, even into the palace of the high priest: and he sat with the servants, and warmed himself at the fire.

52ngunit nakawala siya at tumakas na hubad at naiwan ang kanyang balabal.

53Dinala nila si Hesus sa bahay ng punong pari. Nagtipon doon ang lahat ng namamahalang pari, mga pinuno ng mga Hudyo at ang mga tagapagturo ng Kautusan.

54Samantala, sumunod din doon si Pedro ngunit hindi siya lumapit kay Hesus. Pumasok siya sa bakuran ng bahay ng punong pari at nakiupo sa mga guwardiya na nagpapainit sa tabi ng apoy.

55Doon sa loob, ang mga namamahalang pari at ang lahat ng miyembro ng Sanhedrin ay nagsisikap na makakuha ng mga ebidensya laban kay Hesus upang mahatulan siya ng kamatayan. Ngunit wala silang makuha.

56Marami ang sumasaksi ng kasinungalingan laban kay Hesus, pero magkakasalungat naman ang mga sinasabi nila.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.