14Sinabi ni Pilato sa kanila, “Bakit, ano ba ang ginawa niyang kasalanan?” Ngunit lalo pang sumigaw ang mga tao, “Ipako siya sa krus!”
15Dahil gustong pagbigyan ni Pilato ang mga tao, pinalaya niya si Barabas. Ipinahagupit naman niya si Hesus at saka ibinigay sa mga sundalo upang ipako sa krus.
16Dinala ng mga sundalo si Hesus sa loob ng palasyo ng gobernador at tinipon nila roon ang buong batalyon ng mga sundalo.
17Sinuotan nila si Hesus ng kapa na kulay ube at gumawa sila ng koronang tinik at ipinutong sa kanya.
18Pagkatapos, pakutya silang nagsisigaw, “Mabuhay ang hari ng mga Hudyo!”