Marcos 15

May dalawang tulisan na ipinako rin sa krus kasabay ni Hesus, isa sa kanan niya at isa sa kaliwa. [

Mark 15:27 (UKJV) And with him they crucify two thieves; the one on his right hand, and the other on his left.

25Alas nuwebe noon ng umaga nang ipako siya sa krus.

26May karatula sa itaas ng krus, at ganito ang nakasulat na paratang laban sa kanya: Ang Hari ng mga Hudyo.

27May dalawang tulisan na ipinako rin sa krus kasabay ni Hesus, isa sa kanan niya at isa sa kaliwa. [

28Sa pangyayaring ito, natupad ang sinasabi sa Kasulatan, “At siyaʼy ibinilang kasama ng mga kriminal.”]

29Ininsulto si Hesus ng mga taong napapadaan doon. Napapailing sila at sabay sabi, “O ano ngayon? Hindi baʼt sinasabi mong gigibain mo ang Templo at muli mong itatayo sa loob ng tatlong araw?

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.