Marcos 15

Bumili si Jose ng mamahaling telang lino at kinuha ang bangkay ni Hesus sa krus. Binalot niya ito ng telang binili niya at inilagay sa libingang hinukay sa gilid ng burol. At pinagulong niya ang malaking bato upang takpan ang pintuan ng libingan.

Mark 15:46 (UKJV) And he bought fine linen, and took him down, and wrapped him in the linen, and laid him in a tomb which was hewn out of a rock, and rolled a stone unto the door of the tomb.

44Nang marinig ni Pilato na patay na si Hesus, nagtaka siya. Kaya ipinatawag niya ang kapitan ng mga sundalo at tinanong kung patay na nga si Hesus.

45Kinumpirma nga ito ng kapitan, kaya pumayag si Pilato na kunin ni Jose ang bangkay ni Hesus.

46Bumili si Jose ng mamahaling telang lino at kinuha ang bangkay ni Hesus sa krus. Binalot niya ito ng telang binili niya at inilagay sa libingang hinukay sa gilid ng burol. At pinagulong niya ang malaking bato upang takpan ang pintuan ng libingan.

47Nagmamasid noon si Maria na taga-Magdala at si Maria na ina ni Jose, kaya nakita nila kung saan inilibing si Hesus.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.