15Pagkatapos, sinabi ni Hesus sa kanila, “Humayo kayo sa buong mundo at ipangaral ninyo ang Magandang Balita sa lahat ng tao.
16Ang lahat ng sasampalataya at magpapabautismo ay maliligtas, ngunit ang hindi sasampalataya ay parurusahan.
17At ito ang mga palatandaang makikita sa mga taong sumasampalataya sa akin: Sa pamamagitan ng aking kapangyarihan, magpapalayas sila ng mga demonyo; magsasalita sila sa ibang mga wika;
18kung dumampot man sila ng mga ahas o makainom ng anumang lason ay hindi sila mapapahamak; at gagaling ang mga maysakit na papatungan nila ng kanilang mga kamay.”
19Pagkatapos magsalita ng Panginoong Hesus sa kanila, iniakyat siya sa langit at umupo sa kanan ng Diyos.