12Tumayo nga ang paralitiko, agad na binuhat ang kanyang higaan at lumabas habang nakatingin ang lahat. Namangha ang lahat at pinuri nila ang Diyos. Sinabi nila, “Ngayon lang kami nakakita ng ganito.”
13Muling pumunta si Hesus sa tabi ng lawa ng Galilea. Maraming tao ang pumunta roon sa kanya, at tinuruan niya ang mga ito.
14Habang naglalakad siya, nakita niya si Levi na anak ni Alfeo. Nakaupo ito sa lugar kung saan siya naniningil ng buwis. Sinabi ni Hesus sa kanya, “Sumunod ka sa akin.” Tumayo naman si Levi at sumunod kay Hesus.
15Habang kumakain si Hesus at ang mga alagad niya sa bahay ni Levi, maraming maniningil ng buwis at iba pang mga itinuturing na makasalanan ang kumakaing kasama nila, dahil marami sa kanila ang sumusunod kay Hesus.
16Nang makita ng mga Pariseong tagapagturo ng Kautusan na kasalo ni Hesus ang mga maniningil ng buwis at iba pang mga itinuturing na makasalanan, sinabi nila sa mga alagad niya, “Bakit kumakain siyang kasama ang mga maniningil ng buwis at iba pang mga makasalanan?”