20Ngunit darating ang araw na kukunin sa kanila ang lalaking ikakasal, at saka sila mag-aayuno.”
21Sinabi pa ni Hesus, “Walang nagtatagpi ng bagong tela sa lumang damit. Kapag ginawa ito, mahihila ng bagong tela ang damit at lalo pang lalaki ang punit.
22Wala ring naglalagay ng bagong alak sa lumang sisidlang-balat, dahil puputok ang sisidlan at matatapon ang alak, at pareho itong hindi na mapapakinabangan. Sa halip, inilalagay ang bagong alak sa bagong sisidlang-balat.”
23Isang Araw ng Pamamahinga, habang dumadaan sina Hesus sa isang triguhan, namitas ng trigo ang mga alagad niya upang kutkutin.
24Kaya sinabi sa kanya ng mga Pariseo, “Tingnan mo ang mga alagad mo! Bakit sila gumagawa ng ipinagbabawal sa Araw ng Pamamahinga?”