Marcos 2

At sinabi pa ni Hesus sa kanila, “Nilikha ang Araw ng Pamamahinga para sa tao. Hindi nilikha ang tao para sa Araw ng Pamamahinga.

Mark 2:27 (UKJV) And he said unto them, The sabbath was made for man, and not man for the sabbath:

25Sumagot si Hesus, “Hindi ba ninyo nabasa sa Kasulatan ang ginawa ni David nang magutom siya at ang mga kasamahan niya, at wala silang makain?

26Pumasok si David sa bahay ng Diyos noong si Abiatar ang punong pari. Kumain si David ng tinapay na inihandog sa Diyos, kahit na ang mga pari lamang ang nararapat na kumain niyon, at binigyan pa niya ang kanyang mga kasamahan.”

27At sinabi pa ni Hesus sa kanila, “Nilikha ang Araw ng Pamamahinga para sa tao. Hindi nilikha ang tao para sa Araw ng Pamamahinga.

28Kaya ang Anak ng Tao ang Panginoon maging ng Araw ng Pamamahinga.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.