13Pagkatapos, umakyat sina Hesus sa bundok at dooʼy tinawag niya ang mga taong gusto niyang piliin, at silaʼy lumapit sa kanya.
14Humirang siya ng labindalawa [na tinawag niyang mga apostol] upang makasama niya at upang isugong mangaral.
15Binigyan niya sila ng kapangyarihang magpalayas ng mga demonyo.
16Ito ang mga labindalawang hinirang niya: si Simon (na tinawag niyang Pedro),
17sina Santiago at Juan na mga anak ni Zebedeo (tinawag niya silang Boanerges na ang ibig sabihin ay “mga anak ng kulog”),