Marcos 3

Pagkatapos, tinanong niya ang mga tao roon, “Alin ba ang ipinapahintulot sa Kautusan sa Araw ng Pamamahinga: Ang gumawa ng mabuti o ang gumawa ng masama? Ang magligtas ng buhay o ang pumatay?” Ngunit hindi sila umimik.

Mark 3:4 (UKJV) And he says unto them, Is it lawful to do good on the sabbath days, or to do evil? to save life, or to kill? But they held their peace.

2May mga taong naroon na nagmamatyag kung pagagalingin ni Hesus ang lalaking iyon sa Araw ng Pamamahinga, upang may maiparatang sila laban sa kanya.

3Sinabi ni Hesus sa lalaking paralisado ang kamay, “Halika rito sa harapan.”

4Pagkatapos, tinanong niya ang mga tao roon, “Alin ba ang ipinapahintulot sa Kautusan sa Araw ng Pamamahinga: Ang gumawa ng mabuti o ang gumawa ng masama? Ang magligtas ng buhay o ang pumatay?” Ngunit hindi sila umimik.

5Galit na tiningnan ni Hesus ang mga nakapaligid sa kanya, ngunit nalungkot din siya sa katigasan ng kanilang mga puso. Bumaling siya sa lalaki at sinabi, “Iunat mo ang iyong kamay!” Iniunat nga ng lalaki ang kanyang kamay at gumaling ito.

6Agad na umalis ang mga Pariseo at nakipagpulong sa mga alagad ni Herodes upang pagplanuhan kung paano nila ipapapatay si Hesus.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.