5Galit na tiningnan ni Hesus ang mga nakapaligid sa kanya, ngunit nalungkot din siya sa katigasan ng kanilang mga puso. Bumaling siya sa lalaki at sinabi, “Iunat mo ang iyong kamay!” Iniunat nga ng lalaki ang kanyang kamay at gumaling ito.
6Agad na umalis ang mga Pariseo at nakipagpulong sa mga alagad ni Herodes upang pagplanuhan kung paano nila ipapapatay si Hesus.
7Pumunta si Hesus at ang kanyang mga alagad sa tabi ng lawa ng Galilea. Sinundan siya ng napakaraming tao na nagmula sa Galilea, sa lungsod ng Jerusalem at sa iba pang mga bayan sa lalawigan ng Judea, sa lalawigan ng Idumea, sa kabila ng Ilog Jordan, at sa palibot ng Tiro at Sidon. Dinayo siya ng mga tao dahil nabalitaan nila ang mga kamangha-manghang ginagawa niya.
9Dahil sa dami ng tao, nagpahanda si Hesus ng isang bangka sa mga alagad niya, upang hindi siya maipit ng mga ito.