Marcos 4

Ngunit dahil hindi ito nag-ugat sa kanilang mga puso, hindi nagtatagal ang kanilang pananampalataya. Kaagad nila itong tinatalikuran pagdating ng mga pagsubok o pag-uusig dahil sa salita ng Diyos.

Mark 4:17 (UKJV) And have no root in themselves, and so endure but for a time: afterward, when affliction or persecution arises for the word's sake, immediately they are offended.

15Ang tabi ng daan kung saan nahulog ang ilang binhi ay ang mga taong nakarinig ng salita ng Diyos. Ngunit dumating agad si Satanas at tinangay ang salita ng Diyos na narinig nila.

16Gayundin ang batuhan kung saan nahulog ang ibang binhi. Sila ang mga taong nakarinig ng salita ng Diyos at kaagad itong tinanggap nang may kagalakan.

17Ngunit dahil hindi ito nag-ugat sa kanilang mga puso, hindi nagtatagal ang kanilang pananampalataya. Kaagad nila itong tinatalikuran pagdating ng mga pagsubok o pag-uusig dahil sa salita ng Diyos.

18Ang lupang may matitinik na damo kung saan nahulog ang iba pang binhi ay ang mga taong nakarinig ng salita ng Diyos,

19ngunit dahil sa mga alalahanin sa buhay, pagkasilaw sa kayamanan, at pagkahumaling sa iba pang mga bagay, nawawalan ng puwang ang salita ng Diyos, kaya hindi ito nakakapamunga sa kanilang buhay.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.