21Sinabi pa ni Hesus sa kanila, “Sinisindihan ba ang ilaw para takpan ng takalan o ilagay sa ilalim ng higaan? Hindi baʼt inilalagay ito sa patungan?
22Ganoon din naman, walang nakatagong hindi malalantad, at walang lihim na hindi mabubunyag.
23Makinig ang sinumang may pandinig!”
24“Makinig kayong mabuti sa sinasabi ko,” dagdag pa niya. “Dahil kung paano kayo makinig, gayundin ang pang-unawang ibibigay ng Diyos sa inyo, at dadagdagan pa niya ito.
25Sapagkat ang taong nakikinig nang mabuti ay bibigyan pa ng pang-unawa. Ngunit ang taong hindi nakikinig, kahit ang kaunti niyang naunawaan ay kukunin pa sa kanya.”