Marcos 4

Sinabi pa ni Hesus, “Saan maihahalintulad ang paghahari ng Diyos? Ano pang talinghaga ang makapagpapaliwanag nito?

Mark 4:30 (UKJV) And he said, Unto which shall we liken the kingdom of God? or with what comparison shall we compare it?

28Ang lupa mismo ang nagpapatubo at nagpapabunga sa pananim; lilitaw muna ang usbong, tutubo ang tangkay, at pagkatapos ay mahihitik ng butil ang uhay.

29At kapag hinog na ang butil, gagapasin na ito, dahil panahon na ng pag-aani.”

30Sinabi pa ni Hesus, “Saan maihahalintulad ang paghahari ng Diyos? Ano pang talinghaga ang makapagpapaliwanag nito?

31Ito ay katulad ng buto ng mustasa na siyang pinakamaliit sa lahat ng mga buto.

32Ngunit kapag naitanim na at tumubo, nagiging pinakamataas ito sa lahat ng tanim, at nakakapamugad ang mga ibon sa mga sanga nito.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.