Marcos 4

Tinanong niya ang mga alagad niya, “Bakit kayo natatakot? Wala pa rin ba kayong pananampalataya sa akin?”

Mark 4:40 (UKJV) And he said unto them, Why are all of you so fearful? how is it that all of you have no faith?

38Si Hesus ay nasa hulihan ng bangka at natutulog nang nakaunan. Ginising siya ng mga alagad niya at sinabi sa kanya, “Guro, malulunod na tayo! Balewala lang ba ito sa inyo?”

39Kaya bumangon siya at inutusan ang hangin, “Tigil!” at sinabihan ang lawa, “Kumalma ka!” Tumigil nga ang hangin at kumalma ang mga alon.

40Tinanong niya ang mga alagad niya, “Bakit kayo natatakot? Wala pa rin ba kayong pananampalataya sa akin?”

41Takot na takot silang nag-usap-usap, “Sino ang taong ito? Kahit ang hangin at mga alon ay sumusunod sa kanya!”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.