Marcos 5

Pagdating nila kay Hesus, nakita nila ang taong dating sinaniban ng hukbo ng masasamáng espiritu. Nakaupo siya at nakadamit, at matino na ang pag-iisip, kayaʼt natakot ang mga tao.

Mark 5:15 (UKJV) And they come to Jesus, and see him that was possessed with the devil, and had the legion, sitting, and clothed, and in his right mind: and they were afraid.

13Kaya pinayagan sila ni Hesus. Lumabas nga ang masasamáng espiritu sa lalaki at pumasok sa mga baboy. Ang buong kawan ng baboy na may dalawang libo ay nagtakbuhan pababa ng burol, nagtuloy-tuloy sa lawa at nalunod.

14Tumakbo ang mga tagapag-alaga ng mga baboy papunta sa bayan at ipinamalita roon at sa mga kalapit-nayon ang nangyari. Kaya nagdatingan ang mga tao upang alamin ang tunay na nangyari.

15Pagdating nila kay Hesus, nakita nila ang taong dating sinaniban ng hukbo ng masasamáng espiritu. Nakaupo siya at nakadamit, at matino na ang pag-iisip, kayaʼt natakot ang mga tao.

16Ikinuwento sa kanila ng mga nakasaksi kung ano ang nangyari sa taong iyon at sa mga baboy.

17Dahil dito, pinakiusapan ng mga tao si Hesus na umalis sa kanilang lugar.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.