24Kaya sumáma sa kanya si Hesus. Sinundan siya ng napakaraming tao na nagsisiksikan sa kanya.
25May isang babae roon na labindalawang taon nang dinudugo.
26Maraming hirap na ang dinanas niya sa kamay ng ibaʼt ibang manggagamot. Naubos na rin ang lahat ng ari-arian niya sa pagpapagamot, pero sa halip na gumaling ay lalo pang lumala ang kanyang sakit.
27Nabalitaan niya ang tungkol kay Hesus, kaya nakipagsiksikan siya sa mga tao upang mahipo man lang ang damit ni Hesus.
28Naisip kasi niya, “Mahawakan ko lamang ang damit niya ay gagaling na ako.”