Marcos 5

Ilang beses nang ikinadena ang mga kamay at paa niya, ngunit nilalagot lang niya ang mga ito. Walang nakakapigil sa kanya.

Mark 5:4 (UKJV) Because that he had been often bound with fetters and chains, and the chains had been plucked asunder by him, and the fetters broken in pieces: neither could any man tame him.

2Pagbaba ni Hesus sa bangka, may isang lalaking lumabas mula sa mga kuwebang libingan para salubungin siya. Ang lalaking itoʼy sinasaniban ng masamáng espiritu,

3at doon na siya nakatira sa mga libingan. Hindi siya maigapos ng matagal kahit kadena pa ang gamitin nila.

4Ilang beses nang ikinadena ang mga kamay at paa niya, ngunit nilalagot lang niya ang mga ito. Walang nakakapigil sa kanya.

5Araw at gabi siyang sumisigaw sa libingan at kaburulan, at sinusugatan niya ng bato ang kanyang sarili.

6Malayo pa lang ay natanaw na niya si Hesus kaya patakbo siyang lumapit at lumuhod sa harapan nito.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.