Marcos 6

Ang sabi naman ng iba, “Siya si Elias.” At may mga nagsasabi rin, “Siya ay isang propeta na tulad ng mga propeta noong unang panahon.”

Mark 6:15 (UKJV) Others said, That it is Elijah. And others said, That it is a prophet, or as one of the prophets.

13Pinalayas nila ang mga demonyo at pinahiran ng langis ang mga maysakit at pinagaling.

14Nabalitaan ni Haring Herodes ang tungkol kay Hesus dahil kilalang-kilala na siya kahit saan. May mga nagsasabi, “Siya si Juan na Tagapagbautismo na muling nabuhay, kaya nakakagawa siya ng mga himala.”

15Ang sabi naman ng iba, “Siya si Elias.” At may mga nagsasabi rin, “Siya ay isang propeta na tulad ng mga propeta noong unang panahon.”

16Ngunit nang mabalitaan ito ni Herodes, sinabi niya, “Muling nabuhay si Juan na pinapugutan ko ng ulo!”

17Sapagkat ipinadakip noon ni Herodes si Juan, ipinagapos at ipinabilanggo. Ginawa niya ito dahil sa kagustuhan ni Herodias na kanyang pinakasalan at kinakasama bagamaʼt itoʼy asawa ng kapatid niyang si Felipe.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.