Marcos 6

Subalit dumating ang pagkakataong pinakahihintay ni Herodias. Kaarawan noon ni Herodes at nagdaos siya ng malaking handaan. Inimbita niya ang mga opisyal ng Galilea, mga kumander ng mga sundalo at iba pang mga tinitingalang tao roon.

Mark 6:21 (UKJV) And when a convenient day was come, that Herod on his birthday made a supper to his lords, high captains, and chief estates of Galilee;

19Kaya nagkimkim ng galit si Herodias kay Juan, at gusto niya itong ipapatay. Subalit hindi niya ito magawa,

20dahil takot si Herodes kay Juan at sinisikap niyang hindi ito mapahamak. Alam kasi ni Herodes na matuwid at mabuting tao si Juan. At kahit nababagabag siya sa mga sinasabi ni Juan, gustong-gusto pa rin niyang makinig dito.

21Subalit dumating ang pagkakataong pinakahihintay ni Herodias. Kaarawan noon ni Herodes at nagdaos siya ng malaking handaan. Inimbita niya ang mga opisyal ng Galilea, mga kumander ng mga sundalo at iba pang mga tinitingalang tao roon.

22Nang oras na ng handaan, pumasok ang anak na babae ni Herodias at sumayaw. Labis na nasiyahan si Herodes at ang mga bisita niya. Kaya sinabi ni Herodes sa dalaga, “Hingin mo ang kahit na anoʼng gusto mo at ibibigay ko saʼyo.”

23At sumumpa pa siya, “Ibibigay ko ang anumang hingin mo, kahit kalahati pa ng kaharian ko.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.