3Hindi baʼt siya ang karpinterong anak ni Maria, at kapatid nina Santiago, Jose, Judas at Simon? Ang mga kapatid niyang babae ay dito rin nakatira sa atin, hindi ba?” Dahil dito, nagalit sila at hindi naniwala sa kanya.
4Sinabi ni Hesus sa kanila, “Ang isang propeta ay iginagalang kahit saan, maliban sa kanyang sariling bayan, mga kamag-anak at pamilya.”
5Dahil ayaw nilang maniwala sa kanya, hindi siya nakagawa ng mga himala roon maliban sa ilang maysakit na pinatungan niya ng kanyang kamay at pinagaling.
6Namangha siya dahil hindi sila nanampalataya. Pagkatapos, nilibot ni Hesus ang mga kanayunan at nagturo sa mga tao.
7Tinawag niya ang labindalawang alagad at sinugo sila nang dala-dalawa. Binigyan niya sila ng kapangyarihang magpalayas ng masasamáng espiritu.