Marcos 6

Takot na takot silang lahat sa nakita nila. Ngunit nagsalita agad si Hesus, “Huwag kayong matakot. Ako ito! Lakasan ninyo ang inyong loob.”

Mark 6:50 (UKJV) For they all saw him, and were troubled. And immediately he talked with them, and says unto them, Be of good cheer: it is I; be not afraid.

48Nakita niyang hirap sa pagsagwan ang mga alagad niya, dahil salungat sila sa hangin. Nang madaling-araw na, sumunod sa kanila si Hesus na naglalakad sa ibabaw ng tubig. Lalampasan na lang sana niya sila,

49ngunit nang makita siya ng mga alagad niya na lumalakad sa ibabaw ng tubig, inisip nilang multo siya kayaʼt nagsigawan sila.

50Takot na takot silang lahat sa nakita nila. Ngunit nagsalita agad si Hesus, “Huwag kayong matakot. Ako ito! Lakasan ninyo ang inyong loob.”

51Sumakay siya sa bangka at biglang tumigil ang malakas na hangin. Lubos silang namangha,

52dahil hindi pa rin sila nakakaunawa kahit nakita na nila ang himalang ginawa ni Hesus sa tinapay. Sa halip na makaunawa, matigas ang puso nila.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.