Marcos 7

Sapagkat anuman ang kainin niya ay hindi naman sa puso pumupunta kundi sa kanyang tiyan, at idudumi niya rin iyon.” (Sa sinabi niyang ito, ipinahayag niya na ang lahat ng pagkain ay maaaring kainin.)

Mark 7:19 (UKJV) Because it enters not into his heart, but into the belly, and goes out into the draught, purging all meats?

17Pagkatapos, pumasok si Hesus at ang kanyang mga alagad sa isang bahay upang makaiwas sa mga tao. Tinanong siya ng mga alagad niya kung ano ang ibig sabihin ng talinghagang iyon.

18Sinabi ni Hesus sa kanila, “Hindi rin ba kayo nakakaintindi? Hindi ba ninyo alam na hindi ang pumapasok sa bibig ng tao ang nagpaparumi sa kanya?

19Sapagkat anuman ang kainin niya ay hindi naman sa puso pumupunta kundi sa kanyang tiyan, at idudumi niya rin iyon.” (Sa sinabi niyang ito, ipinahayag niya na ang lahat ng pagkain ay maaaring kainin.)

20Sinabi pa ni Hesus, “Ang lumalabas sa tao ang nagpaparumi sa kanya.

21Sapagkat sa puso ng tao nagmumula ang masamang pag-iisip na nagtutulak sa kanyang gumawa ng seksuwal na imoralidad, pagnanakaw, pagpatay,

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.