Marcos 7

Kaya sinabi ni Hesus sa kanya, “Dahil sa sinabi mong iyan, maaari ka nang umuwi. Iniwan na ng demonyo ang iyong anak.”

Mark 7:29 (UKJV) And he said unto her, For this saying go your way; the devil is gone out of your daughter.

27Ngunit sumagot si Hesus, at sinabi, “Dapat munang pakainin ang mga anak, dahil hindi tamang kunin ang pagkain ng mga anak at ihagis sa mga aso.”

28Sumagot ang babae, “Tama po kayo, Panginoon, ngunit maging ang mga aso sa ilalim ng mesa ay kumakain ng mga mumo na nahuhulog ng mga bata.”

29Kaya sinabi ni Hesus sa kanya, “Dahil sa sinabi mong iyan, maaari ka nang umuwi. Iniwan na ng demonyo ang iyong anak.”

30Umuwi nga ang babae at nadatnan ang anak niya sa higaan, at wala na ang sumaping demonyo.

31Umalis si Hesus sa lupain ng Tiro, at dumaan sa Sidon. Nagtuloy siya sa lawa ng Galilea, at tinahak niya ang lupain ng Decapolis.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.