5Kaya tinanong siya ng mga Pariseo at ng mga tagapagturo ng Kautusan, “Bakit hindi namumuhay ayon sa kaugalian ng ating mga ninuno ang iyong mga alagad? Sa halip, kumakain silang marumi ang mga kamay.”
6Sinagot sila ni Hesus, “Mga pakitang-tao! Tama nga ang sinabi ni Propeta Isaias tungkol sa inyo nang sinulat niya: ‘Sa labi lamang ako iginagalang ng mga taong ito, sapagkaʼt malayo sa akin ang kanilang mga puso.
7Ang pagsamba nila sa akiʼy walang kabuluhan; pawang tuntunin ng tao ang kanilang katuruan.’
8Ang mga utos ng Diyos ay inyong tinalikuran, at ang mga kaugalian ng tao ang inyong sinundan.”
9Sinabi pa niya, “Ang huhusay ninyong magpawalang-bisa ng mga utos ng Diyos para masunod ang sarili ninyong kaugalian.