Marcos 8

May mga mata kayo, pero hindi kayo makakita. May mga tainga kayo, pero hindi kayo makarinig. Nakalimutan nʼyo na ba

Mark 8:18 (UKJV) Having eyes, see all of you not? and having ears, hear all of you not? and do all of you not remember?

16Nag-usap-usap ang mga alagad ni Hesus. Akala nila, kaya niya sinabi iyon ay dahil wala silang dalang tinapay.

17Alam ni Hesus kung ano ang pinag-uusapan nila kaya sinabi niya sa kanila, “Bakit kayo nagtatalo-talo na wala kayong dalang tinapay? Hindi pa ba kayo nakakaunawa? Hindi ba ninyo ito naiintindihan? Matigas pa rin ba ang mga puso ninyo?

18May mga mata kayo, pero hindi kayo makakita. May mga tainga kayo, pero hindi kayo makarinig. Nakalimutan nʼyo na ba

19nang pagpira-pirasuhin ko ang limang tinapay para sa limang libong tao? Ilang kaing ang natira?” Sumagot sila, “Labindalawa po!”

20Nagtanong pa si Hesus, “At nang pagpira-pirasuhin ko ang pitong tinapay para sa apat na libong tao, ilang kaing ang natira?” Sumagot sila, “Pito po!”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.