25Kaya muling ipinatong ni Hesus ang mga kamay niya sa mata ng bulag. Pagkatapos, tumingin ulit ang lalaki at lumiwanag ang kanyang paningin. At nakakakita na siya.
26Bago siya pinauwi ni Hesus ay binilinan siya, “Huwag ka nang bumalik sa Betsaida.”
27Pagkatapos, pumunta si Hesus at ang mga alagad niya sa mga nayon ng Cesarea-Filipos. Habang naglalakad sila, tinanong ni Hesus ang mga alagad niya, “Sino raw ako ayon sa mga tao?”
28Sumagot sila, “May mga nagsasabing kayo raw po si Juan na Tagapagbautismo. May nagsasabi ring kayo si Elias. At ang iba namaʼy nagsasabing isa po kayo sa mga propeta.”
29Tinanong sila ni Hesus, “Ngunit para sa inyo, sino ako?” Sumagot si Pedro, “Kayo po ang Mesias!”