Marcos 9

Pagbalik nina Hesus sa kinaroroonan ng iba pa niyang mga alagad, nakita nila na maraming tao ang nakapalibot sa kanila. Naroon din ang ilang tagapagturo ng Kautusan na nakikipagtalo sa mga alagad ni Hesus.

Mark 9:14 (UKJV) And when he came to his disciples, he saw a great multitude about them, and the scribes questioning with them.

12Sumagot siya sa kanila, “Totoo iyan, kailangan ngang dumating muna si Elias upang ihanda ang lahat ng bagay. Ngunit sasabihin ko sa inyo: Dumating na si Elias at ginawa ng mga tao ang gusto nilang gawin sa kanya ayon na rin sa isinulat tungkol sa kanya. Ngunit bakit isinulat din na ang Anak ng Tao ay daranas ng maraming hirap at itatakwil ng mga tao?”

14Pagbalik nina Hesus sa kinaroroonan ng iba pa niyang mga alagad, nakita nila na maraming tao ang nakapalibot sa kanila. Naroon din ang ilang tagapagturo ng Kautusan na nakikipagtalo sa mga alagad ni Hesus.

15Namangha ang mga tao nang makita nila si Hesus, at patakbo silang lumapit at bumati sa kanya.

16Tinanong ni Hesus ang mga alagad niya, “Ano ang pinagtatalunan ninyo?”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.