5Sinabi ni Pedro kay Hesus, “Rabbi, mabutiʼt narito tayo! Hayaan nʼyo pong gumawa kami ng tatlong kubol: isa po para sa inyo, isa para kay Moises at isa para kay Elias.”
6Ito ang nasabi niya dahil hindi niya alam kung ano ang dapat niyang sabihin sapagkat takot na takot sila.
7Pagkatapos, tinakpan sila ng ulap. At may narinig silang tinig mula sa ulap na nagsasabi, “Ito ang minamahal kong Anak. Pakinggan ninyo siya!”
8Nang tumingin sila sa paligid, wala nang ibang naroon kundi si Hesus na lang.
9Habang pababa na sila sa bundok, pinagbilinan sila ni Hesus na huwag nilang sasabihin kahit kanino ang nakita nila hanggaʼt ang Anak ng Tao ay hindi pa muling nabubuhay.