Mateo 1

at si Jacob ang ama ni Jose na ang asawaʼy si Maria. Si Maria ang ina ni Hesus na tinatawag na Mesias.

Matthew 1:16 (UKJV) And Jacob brings forth Joseph the husband of Mary, of whom was born Jesus, who is called Christ.

14at si Azor ang ama ni Sadoc, si Sadoc ang ama ni Akim, si Akim ang ama ni Elihud,

15at si Elihud ang ama ni Eleazar, si Eleazar ang ama ni Matan, si Matan ang ama ni Jacob,

16at si Jacob ang ama ni Jose na ang asawaʼy si Maria. Si Maria ang ina ni Hesus na tinatawag na Mesias.

17Kaya may labing-apat na henerasyon mula kay Abraham hanggang kay David, at labing-apat na henerasyon din mula kay David hanggang sa pagkabihag sa Babilonia, at labing-apat na henerasyon mula sa pagkabihag hanggang sa Mesias.

18Ganito nangyari ang kapanganakan ni Hesus, ang Mesias: Si Maria na kanyang ina ay ipinagkasundong ikasal kay Jose. Ngunit bago pa sila ikasal, nalaman ni Maria na siyaʼy nagdadalantao sa pamamagitan ng Banal na Espiritu.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.