Mateo 1

“Magdadalantao ang isang birhen at manganganak ng isang lalaki. Tatawagin siyang Immanuel” (na ang ibig sabihin ay “Kasama natin ang Diyos”).

Matthew 1:23 (UKJV) Behold, a virgin shall be with child, and shall bring forth a son, and they shall call his name Emmanuel, which being interpreted is, God with us.

21Manganganak siya ng isang lalaki at papangalanan mo siyang Hesus dahil ililigtas niya ang kanyang bayan sa kanilang mga kasalanan.”

22Nangyari ang lahat ng ito para matupad ang sinabi ng Panginoon sa pamamagitan ng propeta:

23“Magdadalantao ang isang birhen at manganganak ng isang lalaki. Tatawagin siyang Immanuel” (na ang ibig sabihin ay “Kasama natin ang Diyos”).

24Nang magising si Jose, ginawa nga niya ang ipinag-utos ng anghel ng Panginoon at pinakasalan si Maria.

25Ngunit hindi siya sumiping kay Maria hanggang sa maipanganak nito ang sanggol. Nang maisilang na ang sanggol, pinangalanan siya ni Jose ng Hesus.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.