13Kung karapat-dapat ang tahanang iyon, igawad ninyo sa kanila ang inyong pagpapala. Kung hindi, bawiin ninyo ito.
14Kung mayroong hindi tumanggap sa inyo o ayaw makinig sa inyong sasabihin, umalis kayo sa tahanan o bayang iyon, at ipagpag ninyo ang alikabok sa inyong mga paa.
15Sinasabi ko sa inyo ang totoo, sa Araw ng Paghuhukom, mas mabigat na parusa ang tatanggapin nila kaysa sa mga taga-Sodoma at taga-Gomora.
16“Tandaan nʼyo, tulad kayo ng mga tupang sinugo ko sa mga lobo, kaya maging matalino kayong tulad ng ahas, at maamo tulad ng kalapati.
17Mag-ingat kayo sapagkat dadakpin nila kayo at dadalhin sa hukuman, at hahagupitin nila kayo sa mga sinagoga.