33Ngunit ang hindi kumikilala sa akin sa harap ng mga tao ay hindi ko rin kikilalanin sa harap ng aking Amang nasa langit.
34“Huwag ninyong isipin na naparito ako para maghatid ng kapayapaan sa lupa. Hindi ako naparito para magkaroon ng kapayapaan, kundi hidwaan.
35‘Dahil sa akin, kakalabanin ng anak na lalaki ang kanyang ama, ng anak na babae ang kanyang ina, at ng manugang na babae ang kanyang biyenang babae.
36Ang magiging kaaway ng isang tao ay ang sarili niyang sambahayan.’
37“Ang nagmamahal sa kanyang mga magulang nang higit sa akin ay hindi karapat-dapat na maging alagad ko. At ang nagmamahal sa kanyang anak nang higit sa akin ay hindi karapat-dapat na maging alagad ko.