Mateo 11

Habang nasa bilangguan si Juan na Tagapagbautismo, nabalitaan niya ang mga ginagawa ng Mesias, kaya inutusan niya ang kanyang mga alagad

Matthew 11:2 (UKJV) Now when John had heard in the prison the works of Christ, he sent two of his disciples,

1Matapos bilinan ni Hesus ang kanyang labindalawang alagad, umalis siya sa lugar na iyon para magturo at mangaral sa mga karatig lugar.

2Habang nasa bilangguan si Juan na Tagapagbautismo, nabalitaan niya ang mga ginagawa ng Mesias, kaya inutusan niya ang kanyang mga alagad

3para tanungin siya, “Kayo na po ba ang inaasahan naming darating o maghihintay pa kami ng iba?”

4Sumagot si Hesus sa kanila, “Bumalik kayo kay Juan at sabihin sa kanya ang narinig at nakita ninyo:

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.