Mateo 12

Katuparan ito ng sinabi sa pamamagitan ni Propeta Isaias:

Matthew 12:17 (UKJV) That it might be fulfilled which was spoken by Isaiah the prophet, saying,

15Subalit alam ni Hesus ang plano nila kaya umalis siya roon. Marami ang sumunod sa kanya, at pinagaling niya ang lahat ng may sakit.

16Ngunit pinagbilinan niya silang huwag ipaalam sa iba kung sino siya.

17Katuparan ito ng sinabi sa pamamagitan ni Propeta Isaias:

18“Narito ang pinili kong lingkod. Minamahal ko siya at kinalulugdan. Ibibigay ko sa kanya ang aking Espiritu, at ipapahayag niya ang katarungan sa mga bansa.

19Hindi siya makikipagtalo o mambubulyaw, at hindi siya magtataas ng boses sa mga lansangan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.