Mateo 12

Pumasok siya sa bahay ng Diyos at kinain nila ng mga kasamahan niya ang tinapay na inihandog sa Diyos kahit na labag sa Kautusan na kainin iyon ninuman maliban sa mga pari.

Matthew 12:4 (UKJV) How he entered into the house of God, and did eat the showbread, which was not lawful for him to eat, neither for them which were with him, but only for the priests?

2Nang makita ito ng mga Pariseo, sinabi nila kay Hesus, “Tingnan mo ang mga alagad mo! Ginagawa nila ang ipinagbabawal sa Araw ng Pamamahinga.”

3Sinagot sila ni Hesus, “Hindi ba ninyo nabasa sa Kasulatan ang ginawa ni David nang magutom siya at ang mga kasamahan niya?

4Pumasok siya sa bahay ng Diyos at kinain nila ng mga kasamahan niya ang tinapay na inihandog sa Diyos kahit na labag sa Kautusan na kainin iyon ninuman maliban sa mga pari.

5At hindi rin ba ninyo nabasa sa Kautusan na ang mga pari ay nagtatrabaho sa Templo kahit sa Araw ng Pamamahinga? Isa itong paglabag sa kautusan ng Araw ng Pamamahinga, ngunit hindi sila nagkasala.

6Sinasabi ko sa inyo: May naririto ngayon na mas dakila pa kaysa sa Templo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.