29“Halika,” sabi ni Hesus. Kaya bumaba si Pedro sa bangka at naglakad sa tubig patungo kay Hesus.
30Ngunit nang mapansin niyang malakas ang hangin, natakot siya at unti-unting lumubog. Kaya sumigaw siya, “Panginoon, iligtas nʼyo ako!”
31Agad naman siyang inabot ni Hesus at sinabi, “Kay liit ng pananampalataya mo. Bakit ka nag-alinlangan?”
32Pagkasakay nilang dalawa sa bangka, biglang tumigil ang malakas na hangin.
33At sinamba siya ng mga nasa bangka at sinabi, “Talagang kayo nga po ang Anak ng Diyos.”