Mateo 15

Hindi ba ninyo alam na ang lahat ng pumapasok sa bibig ay napupunta sa tiyan at pagkatapos ay lumalabas sa katawan?

Matthew 15:17 (UKJV) Do not all of you yet understand, that whatsoever enters in at the mouth goes into the belly, and is cast out into the draught?

15Sumagot si Pedro, “Pakipaliwanag nʼyo po sa amin ang paghahalintulad na sinabi nʼyo kanina.”

16Sinabi ni Hesus sa kanila, “Hindi pa rin ba ninyo naintindihan?

17Hindi ba ninyo alam na ang lahat ng pumapasok sa bibig ay napupunta sa tiyan at pagkatapos ay lumalabas sa katawan?

18Ngunit ang mga salitang lumalabas sa bibig ng isang tao ay nagmumula sa puso, at ang mga ito ang nagpaparumi sa kanya.

19Sapagkat sa puso ng tao nagmumula ang masasamang pag-iisip na nagtutulak sa kanya para pumatay, mangalunya, gumawa ng seksuwal na imoralidad, magnakaw, magsinungaling at manira ng kapwa.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.