Mateo 15

Ang mga bagay na ito ang nakapagpaparumi sa isang tao. Ngunit ang kumain nang hindi naghuhugas ng kamay ay hindi nakapagpaparumi sa tao.”

Matthew 15:20 (UKJV) These are the things which defile a man: but to eat with unwashed hands defiles not a man.

18Ngunit ang mga salitang lumalabas sa bibig ng isang tao ay nagmumula sa puso, at ang mga ito ang nagpaparumi sa kanya.

19Sapagkat sa puso ng tao nagmumula ang masasamang pag-iisip na nagtutulak sa kanya para pumatay, mangalunya, gumawa ng seksuwal na imoralidad, magnakaw, magsinungaling at manira ng kapwa.

20Ang mga bagay na ito ang nakapagpaparumi sa isang tao. Ngunit ang kumain nang hindi naghuhugas ng kamay ay hindi nakapagpaparumi sa tao.”

21Umalis si Hesus mula roon at pumunta sa mga lugar na malapit sa Tiro at Sidon.

22May isang babaeng Cananeo na naninirahan doon. Lumapit siya kay Hesus at nagmakaawa. Sinabi niya, “Panginoon, Anak ni David, maawa po kayo sa akin! Sinasapian po ng demonyo ang anak kong babae at labis siyang pinahihirapan nito.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.