Mateo 16

May mga Pariseo at mga Saduceo na lumapit kay Hesus para subukin siya. Hiniling nilang magpakita siya ng tanda mula sa Diyos bilang patunay na siya ay sugo ng Diyos.

Matthew 16:1 (UKJV) The Pharisees also with the Sadducees came, and tempting desired him that he would show them a sign from heaven.

1May mga Pariseo at mga Saduceo na lumapit kay Hesus para subukin siya. Hiniling nilang magpakita siya ng tanda mula sa Diyos bilang patunay na siya ay sugo ng Diyos.

2Ngunit sinabi ni Hesus sa kanila, “Kapag palubog na ang araw at mapula ang langit, sinasabi ninyo, ‘Magiging maayos ang panahon bukas.’

3At kapag umaga at makulimlim ang langit, sinasabi ninyo, ‘Uulan ngayon.’ Alam ninyo ang kahulugan ng mga palatandaang nakikita ninyo sa langit, ngunit bakit hindi ninyo alam ang kahulugan ng mga nangyayari ngayon?

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.