16Sumagot si Simon Pedro, “Kayo po ang Mesias, ang Anak ng Diyos na buháy.”
17Sinabi ni Hesus sa kanya, “Pinagpala ka ng Diyos, Simon na anak ni Jonas. Sapagkat hindi tao ang nagpahayag sa iyo ng bagay na ito kundi ang aking Amang nasa langit.
18At ngayon sinasabi ko sa iyo na ikaw si Pedro. At sa batong ito, itatayo ko ang aking iglesya, at hindi ito malulupig kahit ng kapangyarihan ng kamatayan.
19Ibibigay ko sa iyo ang mga susi ng kaharian ng Langit. Anuman ang ipagbawal mo sa lupa ay ipagbabawal din sa langit, at anuman ang ipahintulot mo sa lupa ay ipapahintulot din sa langit.”
20Pagkatapos nito, mahigpit na pinagbilinan ni Hesus ang kanyang mga alagad na huwag ipaalam kahit kanino na siya ang Mesias.