Mateo 16

Hinarap ni Hesus si Pedro at sinabi, “Lumayo ka saʼkin, Satanas! Pinipigilan mo akong gawin ang kalooban ng Diyos, dahil hindi ayon sa kalooban ng Diyos ang iniisip mo kundi ayon sa kalooban ng tao!”

Matthew 16:23 (UKJV) But he turned, and said unto Peter, Get you behind me, Satan: you are an offence unto me: for you savour not the things that be of God, but those that be of men.

21Mula noon, ipinaalam na ni Hesus sa mga alagad niya na dapat siyang pumunta sa Jerusalem at dumanas ng maraming paghihirap sa kamay ng mga pinuno ng mga Hudyo, ng mga namamahalang pari at ng mga tagapagturo ng Kautusan. At siyaʼy ipapapatay nila, ngunit sa ikatlong araw ay muli siyang mabubuhay.

22Kaya dinala ni Pedro si Hesus sa isang tabi at sinabihan, “Huwag sanang ipahintulot ng Diyos, Panginoon! Hindi ito kailanman mangyayari sa inyo!”

23Hinarap ni Hesus si Pedro at sinabi, “Lumayo ka saʼkin, Satanas! Pinipigilan mo akong gawin ang kalooban ng Diyos, dahil hindi ayon sa kalooban ng Diyos ang iniisip mo kundi ayon sa kalooban ng tao!”

24At sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, “Ang sinumang gustong maging alagad ko ay kinakailangang itakwil ang kanyang sarili, pasanin ang kanyang krus at sumunod sa akin.

25Sapagkat ang sinumang naghahangad na iligtas ang kanyang buhay ay mawawalan nito. Ngunit ang taong nag-aalay ng kanyang buhay alang-alang sa akin at sa Magandang Balita ay magkakaroon nito.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.