Mateo 17

At habang nakatingin sila kay Hesus, nagbago ang kanyang anyo. Nagliwanag na parang araw ang kanyang mukha, at ang damit niyaʼy naging puting-puti na parang liwanag.

Matthew 17:2 (UKJV) And was transfigured before them: and his face did shine as the sun, and his raiment was white as the light.

1Pagkaraan ng anim na araw, isinama ni Hesus si Pedro at ang magkapatid na Santiago at Juan sa isang mataas na bundok nang sila-sila lang.

2At habang nakatingin sila kay Hesus, nagbago ang kanyang anyo. Nagliwanag na parang araw ang kanyang mukha, at ang damit niyaʼy naging puting-puti na parang liwanag.

3Biglang nagpakita sa kanila sina Elias at Moises na nakikipag-usap kay Hesus.

4Sinabi ni Pedro kay Hesus, “Panginoon, mabutiʼt narito tayo. Kung gusto nʼyo po, gagawa ako ng tatlong kubol: isa para sa inyo, isa para kay Moises at isa para kay Elias.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.