Mateo 17

Habang nagsasalita pa si Pedro, nabalot sila ng nakakasilaw na ulap. At may narinig silang tinig mula sa mga ulap na nagsasabi, “Ito ang minamahal kong Anak na lubos kong kinalulugdan. Pakinggan ninyo siya!”

Matthew 17:5 (UKJV) While he yet spoke, behold, a bright cloud overshadowed them: and behold a voice out of the cloud, which said, This is my beloved Son, in whom I am well pleased; hear all of you him.

3Biglang nagpakita sa kanila sina Elias at Moises na nakikipag-usap kay Hesus.

4Sinabi ni Pedro kay Hesus, “Panginoon, mabutiʼt narito tayo. Kung gusto nʼyo po, gagawa ako ng tatlong kubol: isa para sa inyo, isa para kay Moises at isa para kay Elias.”

5Habang nagsasalita pa si Pedro, nabalot sila ng nakakasilaw na ulap. At may narinig silang tinig mula sa mga ulap na nagsasabi, “Ito ang minamahal kong Anak na lubos kong kinalulugdan. Pakinggan ninyo siya!”

6Nang marinig iyon ng mga alagad, nagpatirapa sila sa takot.

7Ngunit nilapitan sila ni Hesus at hinawakan. Sinabi niya, “Tumayo kayo. Huwag kayong matakot.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.