24Nang simulan na niya ang paniningil, dinala sa kanya ang isang alipin na nagkautang sa kanya ng milyon-milyon.
25Dahil hindi siya makabayad, iniutos ng hari na ipagbili siya, pati ang kanyang asawaʼt mga anak, at lahat ng kanyang ari-arian, para mabayaran ang kanyang utang.
26“Nagmamakaawang nagpatirapa ang aliping iyon sa hari, ‘Bigyan nʼyo pa po ako ng panahon, at babayaran kong lahat ang utang ko.’
27Naawa sa kanya ang hari, kaya pinalaya siya at pinatawad na lang sa kanyang utang.
28“Ngunit pagkaalis ng aliping iyon, nakasalubong niya ang isang kapwa alipin na may utang sa kanya ng ilang libo. Sinunggaban niya ito at sinakal, sabay sabi, ‘Bayaran mo ang utang mo sa akin.’