8Sumagot si Hesus sa kanila, “Ipinahintulot ito ni Moises sa inyo dahil sa katigasan ng ulo ninyo. Ngunit hindi iyan ang layunin ng Diyos mula sa simula.
9Kaya sinasabi ko sa inyo, kung hiwalayan ng lalaki ang asawa niya sa anumang dahilan maliban sa seksuwal na imoralidad, at pagkatapos ay mag-asawa ng iba, nagkasala siya ng pangangalunya. [ At ang nag-asawa ng babaeng hiniwalayan ay nagkasala rin ng pangangalunya.]”
10Sinabi ng mga alagad ni Hesus, “Kung ganyan po pala ang panuntunan sa pag-aasawa, mabuti pang huwag na lang mag-asawa.”
11Sumagot si Hesus, “Hindi matatanggap ng lahat ang katuruang ito, maliban na lang sa mga taong pinagkalooban nito.
12May ibaʼt ibang dahilan kung bakit may mga taong hindi nag-aasawa. Mayroong ipinanganak na may kapansanan; ang iba namaʼy sinadyang kapunin ng ibang tao; at ang ibaʼy pinili nilang hindi mag-asawa alang-alang sa kaharian ng Langit. Ang sinumang may kayang tumanggap sa aral na ito, dapat niya itong tanggapin.”