Mateo 19

Mas madali pang makapasok ang kamelyo sa butas ng karayom kaysa sa makapasok ang isang mayaman sa kaharian ng Diyos.”

Matthew 19:24 (UKJV) And again I say unto you, It is easier for a camel to go through the eye of a needle, than for a rich man to enter into the kingdom of God.

22Nang marinig iyon ng binata, umalis siyang malungkot, dahil napakayaman niya.

23Kaya sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, “Sinasabi ko sa inyo ang totoo, napakahirap para sa isang mayaman ang makapasok sa kaharian ng Langit.

24Mas madali pang makapasok ang kamelyo sa butas ng karayom kaysa sa makapasok ang isang mayaman sa kaharian ng Diyos.”

25Nabigla ang mga alagad nang marinig nila ito, kaya nagtanong sila, “Kung ganoon po, sino na lang ang maliligtas?”

26Tiningnan sila ni Hesus at sinabi, “Imposible ito sa tao; ngunit sa Diyos, ang lahat ay posible.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.