Mateo 19

Sumagot si Hesus, “Sinasabi ko sa inyo ang totoo, darating ang araw na babaguhin ng Diyos ang mundo, at ang Anak ng Tao ay uupo sa kanyang dakilang trono. At kayong mga alagad ko ay uupo rin sa labindalawang trono upang husgahan ang labindalawang lahi ng Israel.

Matthew 19:28 (UKJV) And Jesus said unto them, Verily I say unto you, That all of you which have followed me, in the regeneration when the Son of man shall sit in the throne of his glory, all of you also shall sit upon twelve thrones, judging the twelve tribes of Israel.

26Tiningnan sila ni Hesus at sinabi, “Imposible ito sa tao; ngunit sa Diyos, ang lahat ay posible.”

27Nagsalita si Pedro, “Paano naman po kami? Iniwan namin ang lahat para sumunod sa inyo. Ano po ang mapapala namin?”

28Sumagot si Hesus, “Sinasabi ko sa inyo ang totoo, darating ang araw na babaguhin ng Diyos ang mundo, at ang Anak ng Tao ay uupo sa kanyang dakilang trono. At kayong mga alagad ko ay uupo rin sa labindalawang trono upang husgahan ang labindalawang lahi ng Israel.

29At ang sinumang iniwan ang kanyang bahay, mga kapatid, mga magulang, mga anak, o mga lupa dahil sa akin ay tatanggap ng mas marami pa kaysa sa kanyang iniwan, at tatanggap din siya ng buhay na walang hanggan.

30Maraming dakila ngayon ang magiging hamak, at maraming hamak ngayon ang magiging dakila.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.