Mateo 20

Habang naglalakad sina Hesus papuntang Jerusalem, ibinukod niya ang labindalawang alagad sa mga tao. Sinabi niya sa kanila,

Matthew 20:17 (UKJV) And Jesus going up to Jerusalem took the twelve disciples apart in the way, and said unto them,

15Hindi baʼt may karapatan akong gawin ang gusto ko sa pera ko? O naiinggit lang kayo dahil mabuti ako sa kanila?’ ”

16Pagkatapos sinabi ni Hesus, “Ang mga hamak ngayon ay magiging dakila, at ang mga dakila ngayon ay magiging hamak.”

17Habang naglalakad sina Hesus papuntang Jerusalem, ibinukod niya ang labindalawang alagad sa mga tao. Sinabi niya sa kanila,

18“Pupunta na tayo sa Jerusalem, at ang Anak ng Tao ay ipagkakanulo sa mga namamahalang pari at mga tagapagturo ng Kautusan. Hahatulan nila siya ng kamatayan

19at ibibigay sa mga hindi Hudyo para insultuhin, hagupitin at ipako sa krus. Ngunit mabubuhay siyang muli sa ikatlong araw.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.