Mateo 20

Ngunit sinagot sila ni Hesus, “Hindi ninyo alam kung ano ang hinihingi ninyo. Kaya ba ninyong inumin ang nasa kopang iinuman ko?” Sumagot sila, “Opo, kaya namin.”

Matthew 20:22 (UKJV) But Jesus answered and said, All of you know not what all of you ask. Are all of you able to drink of the cup that I shall drink of, and to be baptized with the baptism that I am baptized with? They say unto him, We are able.

20Pagkatapos nito, lumapit kay Hesus ang ina ni Santiago at ni Juan na mga anak ni Zebedeo, kasama ang kanyang mga anak. Lumuhod siya kay Hesus dahil may gusto siyang hilingin.

21Tinanong siya ni Hesus, “Ano ang gusto mo?” Sumagot siya, “Kung maaari po sana, kapag naghahari na kayo, paupuin nʼyo ang dalawa kong anak sa tabi nʼyo; isa sa kanan at isa sa kaliwa.”

22Ngunit sinagot sila ni Hesus, “Hindi ninyo alam kung ano ang hinihingi ninyo. Kaya ba ninyong inumin ang nasa kopang iinuman ko?” Sumagot sila, “Opo, kaya namin.”

23Sinabi ni Hesus, “Maaaring iinom nga kayo sa kopang iinuman ko, ngunit hindi ako ang pumipili kung sino ang uupo sa kanan o sa kaliwa ko. Ang mga itoʼy para sa mga taong pinaglaanan ng aking Ama.”

24Nang malaman ng sampung alagad kung ano ang hiningi ng magkapatid, nagalit sila sa mga ito.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.